International Theatre InstituteWORLD THEATRE DAY - 27th March 2000International Message in Pilipino |
|
|
|
|
Michel Tremblay"Mga Dalawang Libong Taon ng naitanong ni Euripides's sa kanyang dulang Electra' ang sumusunod;" Paano ko sisimulan ang aking pagsasakdal? Paano ko ito wawakasan? Ano ang Ipapalaman ko sa pagitan ng simula at wakas" Sa panahong itong laganap pa rin ang Zupimismo at mga salitang patumbis na inililihis ang kahulugang nakakasakit kaya ang katotohanan ay naikukubli, ang taghoy ng anak ni Agamemion ay angkop pa rin sa kasalukuyan. Ang magparatang,. Magsuplong. Magpatugon, mang-abala, manggulo hindi ba ito ang layunin ng teatro? Ang kilusang upang maging unibersal ano man halaga't ang at sikap sa globalisasyon na pinagkakaabalahan ngayon, ay nagpapaliit sa daigidg sa isa lamang nayon na may iisang kalinangan at ito ay hindi makatutulong sa tungkulin ng dulaan sapagkat ito ay dinidiktahan ng dadalaw o tatatlong dambuhala na nag-aatas na gawing iisa at magkakatulad ang lahat sa daigdig. Hindi, Ito dapat manyari sa ikatlong melenyo. Kailangang marinig ng daigdig ang maliliit na tinig na tumututol sa kawalang katarungan. Ito ang pundasyon ng Teatro ibinabaybay ang sangkatauhan at ibinabahagi sa sandaigdigan. Ang mumunting tinig ay nagmumula sa Scotland, Ireland, South Africa, Quebec, Norway at New Zealand. Ipinaririnig sa lahat ng dako ng mundo ang kanilang sigaw ng protesta laban sa kawalang katuwiran. Wala ngang tatak ng unibersalidad ang mga ito, ngunit ito ay may katutubong kulay, may tunay na tinig, at di huwag o gagad. Ito ay kumakausap sa lahat sapagkat ito'y may tiyakan kausap na may kakayahang kumilala sa sariling gusot at pakikibaka na maaaring tangisan at halakhakan. At kung matapat sa katarungan ang larawang naiguhit, ito ay makikilala ng sinumang tao saan man sa mundo. Ang unibersalidad ng isang dula ay wala sa bayang pinagsulatan nito
kundi nasa taglay nitong makataong damdamin, makaugnayang pananaw at magandang
balangkas. Ang mga manunulat ay hindi naggiging unibersal sapagkat
sila ay nasa Paris o nasa New York. Maging nasa Chicatimi o Port-au
Prince mandudula ay unibersal kung isinasalamin nila katotohanan sa kinakausap
nilang madla upang higit na maunawaan at masuri ng mga ito ang kanilang
sarili sa pamamagitan ng teatro kung saan tapat nilang inaawit ang diwa
ng sangkatauhan, sinasaliksik at binabalik ang mga napupukaw nitong yaman.
Ang pagka-unibersal ni Chekhov ay wala sa kanyang pagiging Russo.
Manapa ang kanyang henyo ay ang makapaglarawan ng kaluluwa ng isang Russo
na maaring kilalanin ng sinuman at saan man bilang siya. Ang katangiang
unibersal ay natatamo ng sinumang mandudula na tinutugon ang panangis ni
Elektra:" Paano ko sisimulan ang aking pagsasakdal? Paano ko ito wawakasan?
Paano ka palalamana ang simula at wakas?"
Translated into Pilipino by Prof. Tomas Ongoco, Poet,
Resident playwright Earthsavers DREAMS Ensemble
« WORLD THEATRE DAY was created in 1961 by the International Theatre Institute (ITI). World Theatre Day is celebrated annually on the 27th March by ITI Centres and the international theatre community, various national and international theatre events being organized to mark this occasion. One of the most important of these is the circulation of the International Message traditionally written by a theatre personality of world stature at the invitation of the International Theatre Institute. » Photo: Grégoire Photo (Droits restreints)
|
|
|
|
|
| Copyright iTi Worldwide 2002 |